
Away ‘BohBoh’ ng taong Matalinoh “kuno”
September 3, 2008`Bakit nga ba sa ating mundo’y marami ang mga gulo? ano ba ang sa ati’y idinudulot nito? ako’y nagtataka sa lipunang ito kung kaya’t nais kong maibahagi ang BOGANG ito…..
Sa Aking mga Kababata..
lahat tayo’y may mahuhusay na talentong taglay ng bawat isa
at kaakibat nito ay ang bansag ng iba,
Kung kanila nga tayong tawagin ay matatalinong aba….
at sa aking pagkamangha ay gayon ang kanilang sa ati’y paghanga…
Subalit di ‘ata talagang maiiwasan
na sa buhay nati’y may mga pagsubok na kinahihinatnan;
at kaakibat nito ay ang pagsukat sa ating katatagan,
sa pagharap sa mga hamon ng sangkatauhan…
Oh aking mga kababata bakit ka nagkakaganyan?
ika’y naturingang matalino pa naman
Labis ang aking panghihinayang
sa ipinamamalas mong KATANGAHAN….
diyata’t di kata masisi
sa iyong asal na sa ami’y ibinabahagi..
Subalit bakit ka ganyan?
pinapatulan ang isang pambatang awayan?
OO nga’t bawat panig ay may kamalian,
subalit marapat tayong magkaintindihan…
hindi marapat tayong maglamangan
sa mga kompetisyong sinasalihan:
Tandaan mo kaibigan ang tunay na dahilan,
kung bakit isa kang ssc sa lipunan….
NAKALULUNGKOT ISIPIN,
ang hubad na katotohanan sa atin,
na tayo’y nagpapahambugan
at naglalamangan..
Subalit iyong pakakatandaan
na walang sinuman ang may kakayahan
na pabagsakin ang sangkatauhan
ng sinumang taong inosente o di kaya’y may kamalian
Ba’t di mo gamitin ang puso’t isipan
sa pakikipagbalitaktakan
unawa’t kapayapaan
ang dapat mong ibahagi
sa mga katunggaling puno ng poot sa pusong pusali..
Away boHboH kung ito’y aking tinuringan
pagkat puno ng parunggit sa bawat samahan.
di ba nahahapo ang puso nyo’t katauhan
sa mga dinaranas na kaguluhan?
“batuhin mo ng tinapay ang sinumang sayo’y pumukol ng bato..
upang ang kalam ng kanyang katauhan ay mapawi mo..
kalam na dulot ng kawalan ng tamang emosyon sa buhay
na syang susi sa kabutihan ng kanyang tagumpay
Tagumpay di lamang sa materyal na buhay ang aking tinutuko’y kaibigan
tagumpay sa malayang puso’t isipan
na syang magdudulot sa kanya ng kabutihan,
at katauhang walang kimkim na kasamaan…
Matalino ka na ba sa iyong palagay?
o yaong talinong iyong binabanggit ay talinong talampakan?
wag kang pakasisiguro sa’yong kinabukasan, mahal kong kaibigan
“pagkat ang katayuan mo ngayo’y wala pang kasiguruhan…
kung ikaw man ay mahusay o kung anupaman”
wag kang pakayayabang sa sangkatauhan
pagkat kanila ka lamang mahuhusgahan..
subalit sa Diyos ang tunay mong kapalaran..
Kung kaya’t gawang buti ay marapat na itanim
pagkat tulad ng pintura,
“kaw ay lilipas din..
sa kaibuturan ng iyong puso’t damdamin,,
malamang ay doon halukayin,
ng Diyos ang kabutihang idinulot sa lupa natin
nawa’y magsilbi itong isang daan
para sa kapayapaan ng lahat
wag puro utak ang gamitin mo aking kababata
pagkat may sitwasyong puso ang marapat na gamitin:
at kung talino ay nais ring kamtan
wag Talinong Talampakan ang ipagBUYANGYANG..
Sa aking mga Kababata
by+++
+-+mCr^29+-+
para sa aking mga kababatah????????
away bohboh ng taong mataklino kuno:::::
“”"”"”"”"”"”"
shoot>>>>>>>>>>>>>>>
Hay naku! Nak-relate naman ako dito. Haha!